Birthday ni Liza ngayon.
Maaga kaming naglinis ng bahay.
Si Nanay nagluto ng pansit at lumpia.
Si Tatay bumili ng cake sa panaderya.
Dumating ang mga pinsan, may dalang regalo.
Sabi ni Nanay, may pansit para humaba ang buhay.
Kumanta kami ng Happy Birthday.
Hinipan ni Liza ang mga kandila at humiling.
Kumain kaming lahat, ang sarap ng handa.
Naglaro ang mga bata sa sala.
Nag-videoke ang mga tito at tita.
Nagpasalamat si Liza at niyakap ang pamilya.