Maaga pa.
Papasok ako sa eskwela.
Sumakay ako ng jeep sa kanto.
Sabi ko, "Bayad po, estudyante."
Inabot ng katabi ang bayad ko.
Mabagal ang takbo dahil may trapik.
"Para po," sabi ko sa driver.
Bumaba ako sa tapat ng istasyon ng tren.
Bumili ako ng ticket.
Sumakay ako ng tren.
Puno, pero tiis lang.
Sakto sa oras ang dating ko.